Marami ang humanga sa isang food service employee na nagpakita ng kabaitan sa isang matandang lalaki na nagtitingin-tingin ng mga tirang pagkain sa isang restaurant.
Sa isang facebook post ni Lia Del Castillo, dating reporter ng GMA News, ikinwento niya kung paano pinagsilbihan ng isang empleyado ang isang tila gutom na matandang lalaki nang walang hinihinging kapalit.
"Tonight while having dinner at Yellow Cab, inside SM The Block, I saw this old guy looking for leftover food on the table in front of us. Seeing nothing, he poured what was left of the pitcher and drank from the used cup," sabi ni Castillo.
"as he was about to leave, this waitress saw him and stopped him to ask. 'Sir ano po 'yun?'" pagpapatuloy niya.
Ayon kay Castillo, inabutan ng waitress ang matanda ng plato, utensils, at isang baso ng softdrinks ngunit laking gulat niya nang hatiran pa nito ang matanda ng isang box ng pizza.
"To his delight, the old man almost wanted to cry. He ate and kept the leftover in his bag and waited for the waitress to pass by him. When she did, the old man said Salamat then left," saad niya.
Mayroon ding grupo ng kalalakihan kasama ang kaniyang asawa na nagmagandang loob sa matanda at inabutan ng pera.
No comments: