Babaeng may kaka-ibang itsura tinawanan ng ilang netizen matapos ipost ang orihinal na larawan



Isa sa pinakaiingatan ng karamihan ay ang kanilang mukha, kaya naman laganap ngayon ang mga pampaganda at pampaputi sa mga kababaihan.

Nakilala natin ang dalagang si Charene Treso nang maitampok ang kwento nito sa sikat na palabas ang “Kapuso mo Jessica Soho”.

Napag-alaman natin na ang dalagang ito ay mayroon umanong “dalawang mukha”. Dinulog ng KMJS Team ang kondisyon ng dalaga sa eksperto at ayon nga sa doktor na kanilang nakapanayam ay maaayos pa ang kanyang mukha na siya namang nagbigay ng bagong pag-asa sa dalaga.

Siya si Charene Treso, 18 taong gulang nakatira siya sa Cabaocan Mayuga, Guindulman, Bohol. Anim sila na magkakapatid at sa hirap ng buhay ay napilitan ito na magtrabaho bilang kasambahay. Naging mahirap din umano ang pagtanggap sakanya ng ibang tao sapagkat madali raw siya husgahan ng mga ito.

Kwento pa ng dalaga, nag-enroll siya dati sa isang paaralan subalit siya ay nabigo sa pag-aasam na makapag-aral. Hindi umano siya pinayagan makapasok dahil baka makaistorbo umano siya sa kanyang mga kaklase bukod sa kanyang pisikal na kaanyuan ay may sakit din umano ito na epilepsy.


Ngunit marami ang nagtatanong bakit nga ba naging ganito ang kaniyang mukha? Ayon sa kanyang ina, Nahulog umano siya sa hagdaan noong sanggol pa lamang siya at mula dalawang taong gulang, unti-unting nagbago ang kabilang mukha ni Charene. Hindi umano inborn ang kaniyang kondisyon, isang malusog at normal na bata si Charene nang isinilang.

Inilapit ng programa ang kondisyon ni Charene kay Dr. George Byron Ferrer, isang plastic cosmetic at reconstructive surgeon.

Pinaniniwalaan ni Charene na ang dahilan ng kaniyang sitwasyon ay ang kaniyang pagkahulog sa hagdan noong dalawang taong gulang pa lamang siya. Subalit ayon kay Dr. Ferrer wala raw itong kinalaman sa nangyari sa kanyang mukha. Si Charene daw ay nagkaroon ng rare condition na progressive hemifacial atrophy o Romberg Disease at ito raw ay kaya pang ayusin sa tulong ng reconstructive surgery.

Photo credit : Facebook/ChareneTreso


Babaeng may kaka-ibang itsura tinawanan ng ilang netizen matapos ipost ang orihinal na larawan Babaeng may kaka-ibang itsura tinawanan ng ilang netizen matapos ipost ang orihinal na larawan Reviewed by admin on July 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.