Panoorin:Babaeng pinakain ang Litson hindi bayad nagag@let ng singilin



Viral ngayon ang live video ng isang online seller ng mga food packages sa Cebu matapos ang ginawa nitong pagkompronta sa isa nitong kustomer na ayaw bayaran ng buo ang mga inorder nitong pagkain sa kanya.

Sa video, makikitang pilit na hinahabaan ni Marjorie A. Alison ang pasensya nito habang hinihintay ang naturang kustomer sa mismong bahay nito. Dito, makikita ang galit na kustomer dahil sa pagpunta roon ni Marjorie para singilin ang kulang nitong bayad.

Ayon kay Marjorie, binayaran lamang umano siya ng naturang kustomer ng Php 9,000 kahit na Php 18,000 ang dapat nitong bayaran. Iginigiit nito na masyado raw malaki ang presyo para sa naturang lechon package at inireklamo pa nito na wala raw re-fill ang mga ulam.

Paglilinaw naman ni Marjorie, talagang wala itong re-fill dahil hindi naman umano catering ang kanilang negosyo kundi food package. Una pa lamang ay alam na ito ng kustomer. Hindi niya umano maintindihan kung paanong Php 9,000 lamang ang ibabayad nito sa food package sa laki ng lechon at dami ng ulam na kasama nito.

Pagbabahagi ni Marjorie, maliban sa malaking lechon ay mayroon pa umanong walong ulam na kasama ang food package at dalawang klase ng prutas. Kung tutuusin, ipina-customize pa nga umano ng naturang kustomer ang mga ulam na inorder nito.

Sa harap mismo ng mga bisita, nagkataasan ng boses ang dalawa dahil ipinipilit ng naturang kustomer na hindi umano tama ang presyong hinihingi rito ni Marjorie. Maririnig pa nga sa video ang ginawang pagmumura at pangmamaliit ng naturang kustomer kay Marjorie

Ani nito, napilitan lamang siya na umorder kay Marjorie dahil sa awa at rekomendasyon sa kanya ng isang kaibigan. Ipinipilit din nito na ‘customer is always right’ umano kahit halata namang agrabyado na sa sitwasyon ang seller.

Maliban dito, binantaan pa nito si Marjorie na isasampal niya raw dito ang isa sa mga ulam dahil ayaw pa rin nitong umalis doon. Hiningan niya rin ito ng resibo kahit na alam naman nitong may permit at ipinadala niya lamang dito ang kanyang paunang bayad.

Nagmatigas pa rin ang naturang kustomer na mistulang mayaman naman dahil sa laki ng bahay nito at sa pananamit. Kaya naman, umiiyak na lamang na umalis doon si Marjorie habang patuloy lamang sa pagkain ang mga bisita ng naturang galit na kustomer ng mga pagkaing hindi nito buong binayaran.

Pagbabahagi naman ni Marjorie, Php 8,000 umano ang kanyang naging puhunan sa lechon habang nasa Php 3,500 naman para sa mga ulam. Ang kabuuang presyo nito na Php18,000 ay kasama na rin umano ang patong mula sa kanyang reseller.

Hindi pa kasali sa presyong ito ang iba’t-ibang mga sangkap, ginamit na kasangkapan, bayad sa kanyang staff, at kanyang hirap at pagod. 

Maganda naman umano at mistulang mayaman ang naturang kustomer ngunit, hindi niya lubos maisip kung bakit hindi nito kayang bayaran ng buo ang inorder nitong food package sa kanya.

Kaya naman, kasabay ng pagiging viral ng naturang video, humihingi ngayon ng tulong si Marjorie na maipaabot kay Tulfo ang nangyari para mabigyang hustisya ang nangyari at maging ang ginawang pangmamaliit sa kanya ng naturang kustomer.

Panoorin ang buong video dito!


Panoorin:Babaeng pinakain ang Litson hindi bayad nagag@let ng singilin Panoorin:Babaeng pinakain ang Litson hindi bayad nagag@let ng singilin Reviewed by admin on July 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.