Rest in Peace: Online Seller, Pumanaw na Dahil sa Hindi Nakayanang Pagod



Naging talamak ang mga online buying at selling simula noong nag pandemya. Dulot ng maraming mga establisyemento ang nagsara at maraming tao ang nawalan ng trabaho kaya nagka ideya ang marami na mag o-online selling.

Karaniwan sa mga nag o-online selling ay mga babae dahil nakahiligan ng mga babae ang mga trendy outfits sa murang presyo lamang. Bilang isang online seller ay hindi rin biro ang pagbebenta ng mga damit o kahit ano pa yan online dahil ang buhay ng isang online seller ay nasa pagli-live selling at pag kontak sa mga customers. 

Kaya ganito na lamang ang ating nabalitaan tungkol sa isang babae na naisipang mag online selling para lamang makatulong sa mga pang gastos sa bahay at para na rin maiahon ang pamilya sa kahirapan. 

Ngunit paano nga na lang nga ba ang mangyayari kapag ikaw ang nauuna na bumigay kaysa iyong pagnenegosyo na live selling? Gaya na lamang ng nangyari sa pinost ng isang netizen na isang online seller din na pinaalalahanan ang mga kapwa niya online seller na ingatang mabuti ang sarili.

Sa isang post ng netizen na nagngangalang Liezle De Vera Jordan, ibinahagi niya ang namaalam na online seller dahil hindi nakayanan ng utak dahil sa pagod. 

“Rest in peace. 

Another online seller na naman ang binawian ng buhay sa sobrang pagod. Hindi na nakayanan ng utak.

Sabi ko nga kapag online seller ka, pakiramdam mo hindi ka na normal na tao, na nakatira ka na sa loob ng telepono. Kung may tatlong duda sayo, may isang libo naman ang nagtitiwala sayo. Dun ka lalakas, sa mga naniniwala sayo. Kapag gising mo, cellphone na ang aatupagin mo, may mga buyer kasi tayo na kapag nakabayad na at wala pa ang order nila galit na galit sayo, nakalimutan ng tao ka na kailangan mo din ng konting pahinga, minsan naaapakan na pagkatao mo,” caption ni Liezle sa kanyang post. 


Ma isang comment na nagsasabi na severe asthma attack ang nangyari sa ate niya na karaniwan nagiging brain hypoxia. Ito ang dahilan ng loss of oxygen sa kanyang utak kaya sia na comatose at nag seizure.

“Kase po Severe asthma attack nangyari sakanya. Karaniwan po Nagiging Brain Hypoxia. Loss of oxygen sa brain niya kaya na comatose sya nag seizure. Sobra po sa trabaho ate ko. Kaka cellphone araw araw magdamag. Ala pahinga tulog niya ilang oras lng. D man nakain ng tama sa oras.”

Dagdag pa ni Liezle, kapag online seller ka raw ay parang hindi ka normal na tao at ang iyong mundo ay umiikot lang sa telepono. Nabanggit din niya na may mga buyer talaga na hindi marunong umintindi na kapag nakabayad na at wala pa ang order, nagagalit umano ito sa mga online sellers. 

Sinabi rin niya na napapansin ng kanyang mga buyer na hindi na siya ganun kadalas magpost dahil umano’y nadala siya sa nakita niyang post na kinahihinatnan ng isang kapwa niya online seller.

Kahit gaano pa kalaki yung pangarap mo, kailangan mo rin aalagaan yung sarili mo. Hindi niya gustong magkasakit. Nagbigay naman siya ng babala sa mga kapwa niya online seller niya na kahit gaano kalaki ang panagarap, dapat muna unahin at alagaan ang sarili.

Basahin ang buong post ni Liezle:

Rest in peace. 

Another online seller na naman ang binawian ng buhay sa sobrang pagod. Hindi na nakayanan ng utak.

Sabi ko nga kapag online seller ka, pakiramdam mo hindi ka na normal na tao, na nakatira ka na sa loob ng telepono. Kung may tatlong duda sayo, may isang libo naman ang nagtitiwala sayo. Dun ka lalakas, sa mga naniniwala sayo. Kapag gising mo, cellphone na ang aatupagin mo, may mga buyer kasi tayo na kapag nakabayad na at wala pa ang order nila galit na galit sayo, nakalimutan ng tao ka na kailangan mo din ng konting pahinga, minsan naaapakan na pagkatao mo.

Pero ako, kahit gaano kabastos ng buyer ko, iniintindi ko. Never ako nakipagsalitaan, yung pang unawa ko stretchable katulad ng mga damit ko, pag may misunderstanding sa amin ng buyer ko, pinapagupa ko yung tensyon katulad ng damit ko "lamig tela" kailangan "lamig ulo" palagi. hahahaha ganyan lang, tawa lang!

Alam na alam ni Lord, kung gaano kadami yung pangarap ko, lahat ng stress, pagod, lipas gutom, maghapon magdamag cellphone, iiiyak ko lang yan. Isusumbong ko lang lahat sa kanya, tapos okay na. Lavarnnn na ulit.

Pero ngayon, pansin din ng mga buyer ko, hindi na ako ganon kadalas magpost kasi nadala ako. AYOKO NA MAGKASAKIT. At please lang po sa kapwa ko mga seller, alagaan po natin ang sarili natin. Kapag di na kaya ng katawan, magpahinga. Matulog maghapon wag ma guilty kung di ka kumita ngayon makakabawi din tayo. Alagaan po natin ang mga sarili natin. Puhunan natin yung katawan natin, isip at mga diskrte natin. Kailangan din natin ng break. 

Magpagupit,bumili ng laruan ng bata, magjalibi, ganyan lang ang "ME TIME" ko. Kailangan nyo din yan. Magshopping kayo, rewardan ang sarili.

Rest in peace.


Source: facebook


Rest in Peace: Online Seller, Pumanaw na Dahil sa Hindi Nakayanang Pagod Rest in Peace: Online Seller, Pumanaw na Dahil sa Hindi Nakayanang Pagod Reviewed by admin on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.