TINGNAN: Nagkulay pula ang tubig baha sa isang barangay sa Rizal matapos tuloy tuloy ang ulan



Nitong sabado sa lugar ng Barangay San Andre sa bayan ng Cainta, Rizal nagulat na lamang ang mga residente doon nang makita ang tubig-baha ay kulay pula

Ayon sa padalang video ni Robert Zulueta na kuha alas-7:24 ng umaga, makikitang pula ang tubig baha sa bawat kanto na dinadaanan niya habang papasok ng trabaho.

Biglang natakot  si Zulueta, baka may masamang epekto sa balat ang tubig baha na ito o meron pala itang chemical na pwede maka apekto sa ating kalusugan.

Sa ibang video naman na kuha ni Jebie Maestre mga alas-11:19 ng umaga,  makikitang mayroon pa ring tubig baha na pula sa kanilang lugar. siya ay nagulat ng makita ito lalo pa’t unang beses itong nangyari sa kanilang lugar. 

Ayon kay Barangay Chairman Jose Ferrer ng Barangay San Andres, kinumpirma niya na naging pula nga ang tubig baha sa kanilang lugar ngayong Sabado. 

Ito ang unang beses na nangyari ito sa barangay. “Nagulat nga kami kanina d’yan banda sa Rodriguez Avenue, d’yan sa may Felix nagro-roving kami kasi mataas ang tubig bigla na lang pula ang aming nakita na tubig. Tsaka dumadaloy sa ibang mga tributaries pa ng ibang mga malapit na kanal," Sabi Ferrer.

Sa ngayin aybinaalam kung ano ang naging sanhi ng pagiging kulay pula ng baha sa lugar. Nakabantay din ang kanilang barangay rescue team hanggang ngayon para makita ang pagtaas ang baha sa lugar. 


TINGNAN: Nagkulay pula ang tubig baha sa isang barangay sa Rizal matapos tuloy tuloy ang ulan TINGNAN: Nagkulay pula ang tubig baha sa isang barangay sa Rizal matapos tuloy tuloy ang ulan Reviewed by admin on July 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.