Laking pasasalamat ng graduate student sa kanyang kasintahan na isang konduktor dahil ito ang tumaguyod sa kanyang pag-aarap hanggang siya’y makapagtapos ng kolehiyo.
Masayang masaya na ibinahagi ni Sincer Mae Balili na nakapagtapos na siya ng kanyang kolehiyo sa tulong ng mabait na nobyo.
Saad ni Balili, inialay niya sa nobyong si Edilberto “Bert” Andil ang knayang tagumpay dahil ito ang gumastos sa kanyang pag-aaral. Hindi umano siya pinabayaan ng nobyo at ito pa ang humihikayat sa kanya na tapusin ang kanyang pag-aaral.
Photo courtesy: Sincer Mae Balili / Facebook
Kahit na maliit lang ang sweldo ng nobyo na nagtatrabaho bilang isang konduktor sa isang bus company. Hindi pa siya pinahinto nito sa pag-aaral, bagkus itinaguyod parin siya kahit may pand3mya pa.
Ang kanyang diploma ay inialay niya sa nobyong si Bert. Napahinto siya sa kanyang pag-aaral matapos siyang mabunt!s at maging single parent.
Photo courtesy: Sincer Mae Balili / Facebook
Sa araw ng kanyang graduation ay may trabaho ang nobyo kaya pinuntahan ni Balili ang nobyo sa stopover ng bus sa highway ng Maramag, Bukidnon
Ipinost ni Balili ang picture nila ng kanyang nobyo na malapad rin ang ngiti. Proud na proud siya sa tagumpay nilang dalawa at naabot rin nila ang kanilang minimithing diploma.
Photo courtesy: Sincer Mae Balili / Facebook
Nag-viral ang kanyang post at pinusuan ito ng mga netizen. Natapos ni Balili ang kursong Business Administration major in marketing management.
Masaya naman ang mga netizen na nakatagpo si Balili ng mabait at masipag na nobyo. Hindi siya niya pinabayaan at tinulungan pang makapagtapos sa kanyang pag-aaral.
No comments: