Pulubing magkapatid na nakasuot ng plastik,Para hindi lamigin at umantig sa puso ng mga netizens!



Viral ngayon sa social media ang isang post ng netizen na si Pearl Jhene David, na kung saan ibinahagi nito ang kuhang mga larawan sa kaniyang social media account.

Makikita ang dalawang magkapatid na nadaanan niya sa San Matias malapit sa over-pass ng SM/Robinsons Starmills.

Ang magkapatid na nakilala niyang sina Aldin at Santino ay natagpuan niyang namamalimos habang nakasuot ng plastik at tanging hawak lamang ng mga ito ay kapirasong Styro Cup, habang nanlilimos sa kalye.

Ayon sa pos ni Pearl, namamalimos umano ang magkapatid para may pangbili ng gamot sa karamdaman ng bunsong kapatid na si Santino dahil ito ay mayroong sakit sa bato.

Ayon sa nakatatandang kapatid na si Aldin, namamalimos umano sila ng kanyang kapatid habang hinihintay ang kanilang ina na nangangalakal. "Wala po kasi si mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi."

Narito ang post ni Pearl

"Halos madurog yung puso ko at naiiyak nung nakita ko silang dalawa lalo na yung bata, kase nilalagnat . Nanginginig pa sya habang mahimbing na natutulog sa may hagdan."

"Ang nagwa ko nalang ay bigyan sila ng konting pera. Alam ko hindi sapat yung naiabot ko kaya binigay ko nalang yung number ko sakanila, tas sabi ko kay Kuya Aldrin na ibigay nya yung number ko sa mama nya at tawagan ako, para kung makahanap pako ng ibang way para matulungan sila eh tutulungan ko sila."

"Kaya sana po, kapag makita nyo sila sa may OVERPASS sa SM/STARMILLS sana po matulungan nyo po sila.Sana kahit papaano makatulong tong ginawa kong pag post para may tumulong sakanilang magkapatid lalo nankat Baby Santino na may sakit. Halos dina po maka bangon yung bata kanina, nanghihina sya sa gutom."

"PS : I'M NOT POSTING THIS PARA MAPANSIN AKO OR WHAT. I just want to post this para maka tulong kahit papaano sakanila."



Pulubing magkapatid na nakasuot ng plastik,Para hindi lamigin at umantig sa puso ng mga netizens! Pulubing magkapatid na nakasuot ng plastik,Para hindi lamigin at umantig sa puso ng mga netizens! Reviewed by admin on August 03, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.