Single Mom na Maganda kumikita ng 50,000 sa kanyang chicken business sino sya kilalanin



Walang mangyayari sa iyo kung mag papatalo ka sa problema p unos ng buhay kata mayroong salitang  naimbento na "Move on" para hindi ka magstay sa mahirap na sitwasyon sa taon na ito maraming problemang dumating saatin tulad ng trahedya, at malalang pandemya.

Maraming Pilipino ang apektado dahil sa pandemya, ang iba naman ay nawalan ng pangkabuhayan, and iba naman ay nagsara ang kanilang establisyemento kaya mas lalong naging mahirap mamuhay ang mga Pilipino ngunit kung iisipin natin ang mga negatibong ito hindi tayo makakabangon sa hirap ng buhay dapat gawin lamang itong inspirasyon para mas lalo pa tayong tumaas.

Katulad na lamang ng istorya ng isang single mom kinilala bilang si Minda Nacario ng Quezon City, Nung una meron itong printing shop kalaunan ay bumagsak ang kita dahil sa lockdown.

Nang dahil sa pagsara ng kaniyang printing shop nawalan ito ng source of income, dumagdag pa sa kanyang problema ang pagkakahiwalay ng kanyang asawa kaya mag isa niyang tinataguyod ang kanyang mga anak. 

Tulad ng nakakarami umabot na siya sa puntong wala na siyang maibigay kahit diaper man lang tanging asukal nalang ang kaya niyang ipakain sa bata.

"Dumating yung time na baby ko wala akong maibigay na diaper tapos nagkasakit pa siya tapos wala akong maipangbiling gamot hanggang sa dumating yung asukal nalang ang kaya kong ipakain sakanya kaya sinabi ko sa sarili ko na maghahanap talaga ako ng solusyon kung paano ako kikita ng pera at kung paano ako makakapag ipon" Ayon kay Minda.

Siya ay nagsimula na puhunan na 2,500 pesos, iilang manok palang yon na ibinebenta niya online ang hindi pala niya alam na ito ang magiging daan upang bumangon muli. 

Naimbitahan siya na mag benta sa fresh market on wheels sa kanilang lugar ng biglang pumatok ang kanyang negosyo at mas napalago niya pa ito, mula sa 2,500 na puhunan ngayon ay kumikita na ng 50,000 pesos kada araw, siya ay nakapagpapundar na rin ng tatlong pwesto at nakapag pagawa ng storage sa kanyang paninda.

Sa tatlong buwan na pagttyaga nakabili na siya ng bagong sasakyan at nakatulong pa sa kanyang kamag-anak, Isang patunay na walang imposible kung marunong kang dumiskarte samahan pa ng sipag, tyaga at panalangin sa panginoon.



Single Mom na Maganda kumikita ng 50,000 sa kanyang chicken business sino sya kilalanin Single Mom na Maganda kumikita ng 50,000 sa kanyang chicken business sino sya kilalanin Reviewed by admin on August 06, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.