Magkapatid pinabayaan magtinda ng sampagita kahit malakas ang ulan nakatulog nalang sa daan



Larawan ng magkapatid umantig sa damdamin ng mga netizens.

Umantig sa damdamin ng mga netizens ang dalawang magkapatid na natutulog sa tabi ng kalsada at may hawak na tinda na sampagita.

Hindi napigilan ng ilang mga netizens ang maluha sa kalagayan ng dalawang magkapatid kung saan ay natutulog lang sila sa daan. 

Makikitang  kapwa pagod  ang magkapatid kaya nakatulog na sila doon.

Tila basang-basa rin sila sa ulan. Ang batang babae ay karga-karga niya ang kanyang nakababatang kapatid na natutulog lang sa kanyang balikat.

Naaawa ang marami sa kanilang kalagayan dahil sa murang edad ay bakas na sa kanila ang kahirapan.

Ang post ay ibinahagi ng netizen na si Nahara Pagayawan. 

Ayon sa anya, nasasaktan siya bilang isang ina habang nakikita ang magkapatid. Kaya hiling niya sana’y maraming tumulong sa mga bata.

Basahin ang kanyang post:

"Allah blessed you ma’am Michelle Khader

This is so heart breaking for me as a mother Yung hindi naman nila kasalanan na nabuhay sila sa mundo pero they need it for a living.

Please help to share po diko maishare kyacg copy paste ko nalang..

#raffytulfoinactionfacebookpage."


Magkapatid pinabayaan magtinda ng sampagita kahit malakas ang ulan nakatulog nalang sa daan Magkapatid pinabayaan magtinda ng sampagita kahit malakas ang ulan nakatulog nalang sa daan Reviewed by admin on September 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.