Marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagsusumikap sa buhay at naghahanap buhay sa kabila ng kanilang edad upang suportahan at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Nakakalungkot lamang din isipin na kahit ang ilan ay matanda na, mas pinipili pa din nila ang lumabas para maghanap buhay sa halip na magpahinga na lamang sa kanilang bahay dahil sa nais nilang makatulong sa gastusin sa araw-araw.
Ngunit sa sabi nga nila, ang mga matatanda ay parang mga kalabaw na hangga’t malakas pa ay patuloy pa din sa pagsasaka ngunit kapag mahina na ito ay dapat ng magpahinga
Kagaya na lamang ng nangyari sa tatay na ito na isang pedicab driver.
Sa mga larawan na ibinahagi ng Facebook page na BastaViral, makikita si tatay na nawalan na ng malay sa kalsada habang ito ay sakay ng kaniyang pedicab. Marahil dahil sa sobrang init noong mga panahon na iyon at sa labis na pagod na nadarama sa pagpapadyak ng kaniyang pedicab sa araw-araw ay bigla na lamang itong nawalan ng malay at tuluyan ng bumagsak sa kaniyang pedicab.
Saad sa caption ng nasabing post,
“Rest in peace, Tatay.Pedicab Driver, Binawian ng Buhay Dahil sa Sobrang Pagod sa Paghahanap Buhay para sa Pamilya..”
Samantala, marami naman sa mga netizens ang nadurog ang puso para sa sinapit ni tatay at nagpaabot din ng pakilang pakikiramay.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:
“Diosko po kawawa Naman.
Yong ganitong mga tao Ang dapat na my nakuhang tulong sa gobyerno.mga matatanda na Dina dapat mag trabaho. RIP lolo
“My deepest condolences to the bereaved family”
“Sakit nman Nito grabe.,condolence to the whole family rest in peace”
“Naku nakakaawa naman REST IN PEACE , hindi kana mahihirapan doon sa langit kapiling ang ating mahal ma Panginoon”
“Rest in peace po, Tay. Nkkadurog ng puso ang ganitong sitwasyon na sinapit ng isang butihing Ama ng tahanan. ”
No comments: