Umaani ng pambabatikos ngayon ang isang pulis mula sa Cagayan de Oro City dahil sa ginawa niyang pananakit sa kaniyang asawa nang dahil lang umano sa selos.
Ang pananakit na ito ng pulis ay nakunan pa ng video ng kaniyang mismong anak habang sila ay nasa kanilang tahanan sa Barangay Iponan.
Nang mag-viral ang video, agad namang rumesponde ang pulisya upang hulihin ang aktibong miyembro ng PNP Maritime.
Tumangging humarap sa camera ang suspek ngunit aniya, nagawa niyang pagbuhatan ng kamay ang kaniyang asawa dahil sa kalasingan at matinding selos.
Hindi naman ibinahagi pa ng pulis ang iba pang detalye sa ugat ng pangyayari.
Panghihikayat ni Deputy Commander PS7 Marycar Valmores sa mga nakararanas ng physical, emotional, psychological, at financial violenes, huwag mag-atubiling lumapit sa pulisya nang mabigyan sila ng karampatang proteksyon.
No comments: