Pusa tumabi sa sanggol na pumanaw na anak ng kanyang amo



Umaantig ngayon sa damdamin ng publiko ang isang pusa na tila ba nalungkot at nakiramay din sa pagkamatay ng bagong silang na sanggol ng kaniyang amo.

Ayon sa ina ng 26-day old baby na si Evelyn Romero, bigla na lamang daw humiga ang pusa sa tabi ng kabaong ng kaniyang munting anghel habang ito ay nakaburol.

Sinubukan nila itong paalisin ngunit paulit-ulit lamang daw itong bumabalik sa tabi ng sanggol.

“Noong una po pinapalayo namin tapos bumabalik po siya. Tapos noong walang maiiwang makakasama ’yung baby namin... bumabalik po siya. Sinabi namin, ’Sige diyan ka muna bantayaan mo muna si ading mo ah?’” kwento ni Romero.

Ayon sa isananimal behavior expert, nagbabago rin ang kilos at damdamin ng mga hayop kapag nagkaroon ng mga pababago sa kaniyang kapaligiran at araw-araw na pamumuhay.


Pusa tumabi sa sanggol na pumanaw na anak ng kanyang amo Pusa tumabi sa sanggol na pumanaw na anak ng kanyang amo Reviewed by admin on November 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.