Nagiging usapan ngayon sa social media ang lovestory ng kinilalang TikTokers na sina Salvacion Navarro at Arjay Riola. Ang magkasintahan na ito ay halos kalahati ang agwat ng kanilang edad dahil si Salvacion ay 66-taong gulang samantala si Arjay naman ay 33-taong gulang.
Ngunit, sa kabila ng layo ng kanilang edad ay kanilang pinatunayan ang kanilang pag-ibig. Kanilang ipinakita na walang pinipiling edad ang pag-ibig. Halos apat na taon ng biyuda si Sally kaya naman hindi niya inakala na may darating pa sa kanyang buhay na isang taong muling magpapatibok ng kanyang puso
Nagsimula ang lovestory ng dalawa ng nakita ni Arjay ang isang video umano ni Sally sa isang TikTok at kanya itong finollow. Ayon kay Arjay, kamukha daw di-umano kasi ni Chanda Romero si Sally. At dahil tila na curios din sa kanya si Sally kaya naman nagfollow-back din ito sa kanya at doon na sila nagsimulang mag-usap.
Laking gulat din naman ni Sally ng tinanong siya ng binata kung pwede ba daw siyang ligawan nito at kung maaari siyang bigyan ng pagkakataon nito. Kaya naman matapos ang ilang linggo nilang pag-uusap sa chat at video call ay sinagot naman ni Sally si Arjay.
Samantala noong una, ay marami daw silang natanggap na mga negatibong komento mula sa mga netizens. Dahil dito gusto na sana nilang itigil ang kanilang relasyon ngunit pinatunayan ni Arjay hindi pera ang kanyang habol kay Sally.
Saad pa ni Sally, “Noong unang-una medyo apektado ako, parang gusto ko ng huminto nun. Sinasabi nilang, pera-pera lang yan, sugar mommy, ganun daw. Allowance reveal, weekly or monthly. Ano kayo? ‘Mag-nanay o mag-lola?”.
Ika naman ni Arjay, “Hindi ako materyosong tao, wala akong hinihinging ibang kapalit kundi yung mahalin ko siya at mahalin niya ako.”
Ngunit mya mga netizens pa rin naman ang nagbigay ng kanilang mga positibong komento. Narito na lamang ang iilan sa mga ito.
“No problem as long as true love ang nararamdaman nila.. ano naman ang sa atin dun. Buhay nila yan. Respect na lang natin ang happiness nila.”
“Basta ang importante walang inaapakan na tao, intindihin nalang natin ang relasyon nila basta sila ay nagmamahalan silang dalawa.”
No comments: