4-anyos na bata pat*y matapos umano gahasain; 17-anyos na binata suspek



Halos gumuho ang mundo ng isang ama matapos mabalitaang ginahasa at pinatay ng isang binatilyo ang kaniyang apat na taong gulang na anak sa Caloocan City

"Hindi ko po kayang tingnan... Napakasakit po sa akin... Tatay po tayo eh. Hindi na nga po ako nakatulog kagabi dahil kagabi umiiyak na din kami," lahad ni "Ruben," hindi tunay na pangalan ng ama.

Kwento ni Ruben sa mga pulis, iniwan niya ang kaniyang anak sa isang palaruan sa kanilang compound noong Linggo ng tanghali ngunit nang balikan niya na ito dakong alas-kwatro ng hapon ay wala na ito roon.

Isang residente ang nagsumbong at nagsabing isang 17-anyos na binata ang huling nakasama ng bata. Dito na rin natagpuan ng mga pulis ang katawan ng bata sa likod ng bakuran ng isang abandonadong bahay.

Isasailalim ngayon ang suspek sa isang drug test. Kinasuhan na rin ito ng with homicide ngunit dahil menor de edad, hindi pa tiyak kung makukulong ito.


4-anyos na bata pat*y matapos umano gahasain; 17-anyos na binata suspek 4-anyos na bata pat*y matapos umano gahasain; 17-anyos na binata suspek Reviewed by admin on February 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.