Kris Aquino, mamimigay ng halagang P5,000 sa loob ng 10 araw para sa kanyang Birthday Celebration



Sa darating na February 14 hindi lang ang Valentine’s Day ang hinihintay ng nakakarami saatin kundi narin ang kaarawan ng actress na si Kris Aquino na mamahagi ng 5,000 pesos sa limang katao sa kada araw mula February 4 hanggang February 13.

Ayon kay Kris Aquino na nais niyang ibahagi ang kanyang blessings sa kapwa niya Pilipino lalo na sa hirap ng panahon ngayon, “you just have to be my FB follower, you just have to use the hashtag #HappyBirthdayKris. I love you. I thank you. And I want to share my blessing with all of you, most especially now” ayon sa FB post ni Kris.

Ang mga mananalo ay ipopost sa FB ni Kris Aquino kada araw mula Feb 4 hanggang Feb 13, para manalo kailangan lang mag comment sa facebook video ni Kris na may hashtag na Happy Birthday Kris at doon magpipili si Kris kung sino ang mga makakatanggap ng halagang 5,000 pesos.

“you have to pray for me ha malagpasan ko itong 50 years na ito, thats why sabi ko im only gonna turn 50 once, I want to live until im 51 so all of my facebook followers, nangako ako sakanila ng 5,000 pesos kada araw, I’ll make more of you happy because you have completed my life” sinabi ni Kris Aquino sakanyang FB video.

Sobrang pasasalamat ni Kris sa biyayang ipinagkaloob sakanya ng Maykapal kaya ginawa niya ito para makapagsalamat na rin sa Panginoon at para makatulong narin sa mga nangangailangan atsaka meron pa itong regalo para sa sarili niya.

Ang kanyang birthday gift para sakanyang sarili ay ang paglipat sa isang beachfront house na inupahan sa loob ng 6 months at masaya itong sa probinsya muna titira at lalayo muna sa NCR babalik lamang ito ng central Luzon every 6 weeks para makita langang kanyang anak na si Josh.


Kris Aquino, mamimigay ng halagang P5,000 sa loob ng 10 araw para sa kanyang Birthday Celebration Kris Aquino, mamimigay ng halagang P5,000 sa loob ng 10 araw para sa kanyang Birthday Celebration Reviewed by admin on February 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.