Isang bagong modus sa Taiwan ang inirereklamo ngayon ng ating mga kababayan gumagamit ng dating app ang bagong scam na ito na kung saan kapag nahulog ang loob ng biktima ay saka ito pagsasamantalahin ng mga scammer.
Katulad nalang ng OFW na si Elena ay nagsumikap mag ipon para matapos na ang pinapagawang bahay sa Pilipinas ngunit ang perang inipon ay tila naglaho dahil sa scam na nasangkot sa banyaga na nakilala sa isang dating site.
“Pupunta siya dito sa Taiwan para magbakasyon, ngayon ang sabi niya saakin para mas mabilis daw siyang makapunta dito sa Taiwan ipapadala niya daw po yung bagahe niya saakin.” saad ni Elena.
“Nag-chat siya saakin na tingnan ko daw kung nag message na daw yung courier delivery kase doon niya daw pinapadala yung bagahe niya, so tinignan ko yung email ng courier delivery so sabi nga doon na yung bagahe ng kachat ko ay nasa main agency nila sa China.” dagdag pa ni Elena.
Kailangan daw bayarin ni Elena ang clearance para madiretso sa address niya sa Taiwan ang halaga ng bagahe niya ay nag kakahalaga ng USD 3,500 katubas sa TWD 99,850 at katapos umano itong mabayaran sinabi na ipapadala raw ito sa luggage.
Kinagabihan nag email ulit ang courier delivery na na-hold sa customs ang luggage ng kanyang kachat atsaka bigla nalang daw itong pinagbabayad na 150,000 NT at doon na nga nag duda si Elena na scam iyon
Simula noon hindi na nagparamdam ang kanyang chatmate, sa tulong ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) natunton nilang ang bank account kung saan naghulog ng pera si Elena pero laking gulat ng madiskubre nakapangalan ito sa isa rin OFW.
Pinagarap ng MECO si Elena at ang OFW na may ari ng bank account pero iginiit nito na ginamit lang ang bank account.
Isa pang OFW na si Riza ang nascam ng mahigit 1 million piso dahil nag hihingi ang kanyang virtual boyfriend na nakilala lang sa dating app at meron pang dalawang OFW ang lumantad at nag rereklamo sa MECO na umano ay nascam naman sa iisang tao hindi mag kakilala si John at Antonio pero pareho nilang sinabi sa MECO na may nakachat sila.
No comments: