Panoorin:Lalaking sawi sa pag-ibig, nanunt0k ng kapwa pasahero at sinira ang isang jeep



Dahil sawi sa pag-ibig, nanuntok ng kapwa pasahero at nanira pa ng jeep ang isang lalaki sa Caloocan City, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Lunes.

Binasag daw ng suspek na si Zaldy Buena ang windshield ng jeep, tinanggal ang magkabilang side mirror nito, at sinira ang headlight sa Bagong Silang, North Caloocan.

Bukod dito, pinagsusuntok pa raw ni Buena ang ilang kapwa niya pasahero.

Naganap ang insidente nitong Linggo ng gabi, Valentine's Day.

"Wala, talagang zero lang problema sa pag-ibig, ganun. Walang ka-date eh," ani Buena sa presinto.

Ayon sa driver ng jeep na si Nestor Jasmin, bigla na lang daw nanuntok si Buena, dahilan para bumaba sila at tumawag ng barangay officials.

Pagkababa ng mga sakay, doon na raw kumuha ng tubo si Buena at pinaghahampas ang jeep.

Kahit daw may mga barangay official na ay patuloy pa rin sa pagwawala ang suspek.

Aminado naman si Buena na nakainom siya at humingi ng pasensiya sa mga nasaktan niya. Handa rin daw niyang bayaran ang mga nasira niya.

Desidido naman ang mga biktima na sampahan ng reklamo ang suspek.

    NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN:


Panoorin:Lalaking sawi sa pag-ibig, nanunt0k ng kapwa pasahero at sinira ang isang jeep Panoorin:Lalaking sawi sa pag-ibig, nanunt0k ng kapwa pasahero at sinira ang isang jeep Reviewed by admin on February 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.