PWD, ibinigay sa simbahan ang kanyang nalimos para makatulong sa higit na nangangailangan



Isang lalaki ang nag-viral matapos itong ibigay ang kanyang nalimos sa simbahan para makatulong sa mga taong higit na nangangailangan, hindi na susukat sa panglabas na anyo sa pagtulong sa kapwa ang importante nakakapag bigay ka ng saya at inspirasyon sa ibang tao.

Hindi na nakapagtataka kung bakit nag-viral ang ginawang kabutihan ng isang taong may kapansanan kahit na nanlilimos lang siya sa lansangan, hindi siya nag dalawang-isip para lang sa mga taong mas nangangailangan sa simbahan.

Kinilala ang lalaking may kapansanan na si Mang Romy, hindi siya nag alinlangan na ibigay ang kanyang naipon kahit na hirap siya sa kanyang pamumuhay, sa paglilimos sa lansangan nakalikom ng nag kakahalagang 6,000 pesos at ibinigay niya ito sa simbahan sa Antipolo City.

“Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k.” ayon post ng netizen na si Jazz Pher Justo sa kanyang social media account.

Isa rin umano si Mang Romy sa mga nagpaabot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng mga nagdaang mga bagyo, Kahanga hanga talaga si Mang Romy kahit meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy parin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa.


PWD, ibinigay sa simbahan ang kanyang nalimos para makatulong sa higit na nangangailangan PWD, ibinigay sa simbahan ang kanyang nalimos para makatulong sa higit na nangangailangan Reviewed by admin on February 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.