Dalawang magkapatid na edad tatlo at isa ang sinagip ng awtoridad sa Cagayan de Oro City matapos umano silang iwan ng kanilang ama sa sasakyan na naka-lock at nakapatay ang makina.
Base sa ulat ng GTV "Balitanghali" noong Biyernes (Marso 12), halos kalahating oras na na-stuck ang dalawang magkapatid sa loob ng sasakyan.
Agad na tinawag at pinasagip sa Road Traffic Administration ang mga ito matapos mapansin ng ilang sa mga napadaan na may mga batang humihingi ng saklolo sa loob sasakyan.
Mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa dalawang magkapatid. Agad silang pinainom ng tubig upang hindi ma-dehydrate pagkatapos ng higit sa isang oras na pagkakakulong sa mainit na sasakyan.
Ilang saglit pa ay dumating ang ama ng mga bata at dito na rin napag-alaman ng mga awtoridad na may binili lamang ito kung kaya iniwan niya ang kaniyang mga anak sa loob ng sasakyan.
Hindi na kinasuhan ang ama ngunit sa ilalim ng Child Safety in Motor Vehicles Act, mahigipit na ipinagbabawal ang pag-iwan ng bata sa loob ng sasakyan. May kaakibat na P1,000 ang unang paglabag rito, P2,000 sa ikalawa, at P5,000 sa ikatlo o higit pa at isang taon na suspensiyon sa lisensiya sa pagmamanehho.
No comments: