Ika nga ng marami, "may pera sa basura" kung talagang matiyaga ka at madiskarte sa buhay, tiyak malaki ang iyong kikitain.
Maraming bagay din mula sa mga bagay na tinapon na ang maaari mo pang irecycle at mapakinabangan kaysa naman itapon nalang lalo na kung ikaw ay sadyang malikhain na nakakagawa ng obra.
Maraming pwedeng i-recycle katulad nalang ng lata ng softdrinks na madalas ay tinatapon lang natin na dumadagdag naman sa malaking suliranin ng basura sa buong mundo.
Ngunit sa bansang Thailand, mahirap na daw hanapin ang mga aluminum na uri ng lata dahil sa isang malalaki mula sa bayan ng Sampheng na napaka malikhain.
Ang mga latang ito ay kanyang nire-recycle upang maging bags na talaga namang napakaganda at sobrang patok din sa mga tao.
Ito ay mayroong iba't ibang sukat at dahil sa sumikat ang designs ng kanyang bag, hindi na makahabol ang lalaki sa dami ng mga order sa kanya. At talaga namang marami ang naghihintay at pumipila para maka kuha din ng bag.
At napaka mura lang ng benta niya dito, ang mga bag ay nagkakahalaga lang mula 60-100 Thai Baht o katumbas ng 96 hanggang 160 pesos.*
Ayon pa sa mga nakabili ng bag, matibay ito at adjustable din ang strap.
“The bag is very cute. It’s very strong. It can be used for long strap. It can be adjusted to the length. If you don’t like the strap, you can change it yourself. It’s like the example There are two sizes. Me and my friend bought both style.”
Isang babaeng nagngangalang Tharinee Kedsopa ang tumutulong sa lalaki na makatanggap ng mga donasyon para sa paggawa ng kanyang bag. Marami din ang natuwa kay Tharinee sa kanyang pagtulong kay kuya.
Dahil sa ginawang ito ng lalaki, dumami sa mga Thai ang nagkaroon ng kaalaman na bawasan ang mga basura. Hindi lang iyon, natulungan din nila si kuya na kumita ng pera.
At sana, dahil dito, madami din ang ma-inspire na mag recycle ng basura tulad ng lata para sa kalikasan na unti-unti nang napupuno ng basura.
No comments: