Death penalty para sa mga kurap na politiko, isinusulong na!



Matapos sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na ibalik ang death penalty sa bansa upang matigil ang kalakalan sa ilegal na droga, iminumungkahi rin ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang parehong parusa para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa isang virtual briefing na iniere sa PTV-4, Lunes (Hulyo 27), sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na nararapat lamang bitayin ang mga kurap na opisyal dahil sila ang dahilan kung bakit milyon-milyong Pilipino ang naghihirap.

“Corruption should be categorized as a heinous crime and should be penalized by death...Ang (gusto namin) noon, by hanging pero okay naman din ang  lethal injection,” sabi ni Belgica.

Samantala, wala pang tugon ang kongreso ukol sa pagpapatupad ng death penalty na dalawang beses ng napawalang bisa magbuhat noong magawa ang 1987 constitution sa bansa.

Una ng sinabi noon ng Malacañang na importante ang pagpapatupad ng capital punishment upang maging crime-free at drug-free ang Pilipinas.


Death penalty para sa mga kurap na politiko, isinusulong na! Death penalty para sa mga kurap na politiko, isinusulong na! Reviewed by admin on May 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.