Panoorin: 2-buwang Sanggol, tumilapon mula sa tricycle matapos mabangga ng Mabilis na Van



Tumilapon at nahulog mula sa tricycle ang dalawang-buwang-gulang na sanggol matapos na salpukin ng kasunod nilang van sa Santiago, Ilocos Sur.

Sa ulat ni Ivy Hernando sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Biyernes, sinabing magdedeliber lang sana ng produkto ang isang pamilya sakay ng tricycle nang maaksidente sila sa national highway sa bahagi ng Barangay Bigbiga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing galing sa center lane ang tricycle at gigilid na nang salpukin sila ng nakasunod na van.

Sa lakas pagbangga, tumilapon ang sanggol habang karga ng ina.

"Yung lakas kasi ng impact doon sa likod namin sobra kasi yung lakas niya. Yung tricycle namin parang umangat na doon sa likod," sabi ni Jane Ihra Funtanilla, ina ng sanggol.

Ligtas naman ang sanggol na nagtamo ng galos sa mukha at paa pero kailangan pa ring siyang maobserbahan.

Ayon sa pulisya, parehong may pagkakamali ang dalawang sasakyan na sangkot sa aksidente.

Wala pang pahayag ang driver ng van pero nagbigay na raw ito ng paunang tulong para sa pagpapagamot ng sanggol

NARIRITO ANG VIDEO PANOORI:



Panoorin: 2-buwang Sanggol, tumilapon mula sa tricycle matapos mabangga ng Mabilis na Van Panoorin: 2-buwang Sanggol, tumilapon mula sa tricycle matapos mabangga ng Mabilis na Van Reviewed by admin on May 07, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.