Pari sa Colombia, gumawa ng paraan at nagmisa sa parking lot kasama ang mga tao sa kanilang kotse


Nagsisimula na rin ng drive-in mass sa isang parking lot sa Chia, Colombia para sa mga taong hindi makadalo sa tradisyonal na misa sa loob mismo ng simbahan at makikita ang mga sasakyan na magkakalayo habang dumadalo sa misa ni Father Luis Carlos Ayala.

"Drive-in mass is a coming together. It is a very telling moment for us, to see people in their vehicles is something wonderful, to feel that people are there because they want to experience the Eucharist, starting with this place," ayon kay Fr. Ayala.


Ang iba naman ay kasama pa ang buong pamilya at nananatili sa loob ng kani-kanilang sasakyan ang mga tao.


Nagmamaneho naman papunta kay Fr. Ayala ang mga tao kapag tatanggapin na ang Eukaristiya, patunay lang na walang makakapigil sa pananampalatay ng isang tao.


Pari sa Colombia, gumawa ng paraan at nagmisa sa parking lot kasama ang mga tao sa kanilang kotse Pari sa Colombia, gumawa ng paraan at nagmisa sa parking lot kasama ang mga tao sa kanilang kotse Reviewed by admin on August 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.